Mapa newbie, amateur o seasoned veteran ka man kailangan mo malaman ang mga slang words na ito para maintindihan ka ng mga cycling groups. ito ang ilan sa mga madalas na gamitin na mga terms, lingos o slangs na tiyak na maririnig mo sa mga kapwa siklista.
Upgraditis
Sakit na nakukuha ng mga siklista pag dumadami ang “upgrades”nila sa kanilang bisikleta. Mga sintomas ay: patuloy na pagbili ng mga bike parts na hindi naman kailangan. pag bili ng bike parts kahit wala namang budget. pag gamit ng pambayad sa upa para lang makabili ng bagong group set.
Ahon
Ang karaniwang ginagamit nila para i-describe ang mga daan o mga ruta na may elevation angle or “gradient” kung tinatawag.
Karaniwan itong ginagamit sa mga lugar tulad na lamang ng Rizal, Batangas, Tagaytay, Cavite, Ilocos,
Baguio at marami pang iba.
Batak
Ginagamit para i-describe ang siklista na malakas o ensayado. Pwede din ito gamitin sa mga siklistang panay panalo sa sa karera. Kahit barangay races di pinapalagpas.
Budol Ride
Madalas sinasabi ito ng mga magto-tropang siklista na naloko o na“budol” kumbaga ng mga kagrupo nila. Ang modus ay iimbitahan ka sa isang ride na sasabihing nila na “easy” ride lang or city ride. Di nila alam na ang 10km joy ride naging 100km hell ride na pala. Na budol nga.
Budol
Ito yung mga unexpected na ride na akala ng mga siklista ay banayad lang ang daan pero pag dumating na sa mismong daan, puro ahon pala ang ruta.
Karga
Tawag ng mga siklista kadalasan ng kanilang mga support para sabihing kailangan nilang pumedal ng mas malakas para makahabol sa kalaban. Ito ay paglalagay ng extra effort sa pagpadyak.
Isa sa mga sikat na gamitin ng mga siklista na mahilig mag long ride ay ang salitang “padyakoldaway”. Ginagamit ito tuwing naglolong ride ang isang siklista gamit lamang ang kanyang bike.
Hindi sumasakay ng bus o jeep o lrt ang isang nag papadyakoldaway. Padyak all the way nga kasi.
Remate
Sa english siguro pinakamalapit ito sa salitang sprint. Ito yung paga-all out ng isang siklista sa mga huling metro palapit sa finish line.
Marahil para abutan ang kalaban o kaya naman ay mag break away finish. At katulad ng karga, karaniwan din itong ginagamit sa mga karera.
Tahi
Tawag ng mga siklista sa paraan ng pag-akyat ng mga matatarik na ahon ng pa “S”.
Ito ay para maging mas madali pumedal pag hindi kaya diretso ang pag bike sa ahon.
Trangko
Tawag sa mga siklistang nasa harapan ng peloton. Kumbaga siya ang tatayong taga salo sa headwind ng grupo.
Trangko ang may control o may hawak sa pacing ng takbo ng buong peloton. Karaniwan itong ginagamit sa mga karera upang tulungan ang sprinter.
Kung meron pa kayong alam na mga slang na hindi namin nasama sa list na ito. Post niyo lang sa comments para malaman din ng ibang siklista
Comments