top of page

Bakit Nga Ba Bumuo Ng Cycling Team Ang Mob?

Updated: Nov 9, 2020


Marami sa atin ang gustong-gustong magkaroon ng mga “high-end” na bisikleta. Isa sa dahilan nila ay para daw lumakas sila umahon, rumemate o pumadyak. Pero totoo nga ba na ang pagkakaroon ng magandang bisikleta ang sikreto para lumakas magbike?


Bumuo kami ng cycling team noon pang January 2018, nagsimula kela

at Jhunbray Ofiana at nadagdagan ito noong April 2019 para makatulong sa mga young riders natin at para malaman na din kung bike nga ba ang nagpapanalo sa karera.


Pero ang nakita namin ay kaya naman makipagsabayan o minsa’y nahihigitan pa nga ng mga players namin ang mga siklistang may mamahaling bisikleta tuwing karera. Wala man kaming carbon, sabihin man ng ibang tao na mabigat ang bike namin porket alloy lang daw, sabihin man nila na hindi ka mananalo gamit ang MOB na bike o kaya ay “naka Tiagra ka lang, mabagal yan”. Napakita ng mga players namin na kaya nila manalo dahil sa tatag at sipag nila.


Wala man kaming pangalan na kasing tunog ng Giant, Bianchi, Trek, o Specialized, “SANA ALL” ika nga, proud pa rin kaming sabihin na ang mga bisikletang ginagawa namin ay matibay, abot-kaya para sa mga siklista at mahigit sa lahat PARA SA PILIPINO.


Hindi nakikita sa ganda o presyo ng bike ang pag-angat sa podium. Ani nga ni Nilo Estayo(Olin Oyatse), 2-time bronze medalist ng SEA Games noon gamit ang kanyang MOB bike at ngayo’y coach na ng team, “‘pag may disiplina ka, kahit walang nagga-guide sa’yo at may disiplina ka sa sarili mo, makakamit mo ‘yung goal mo talaga na maging champion ka”.


Ito ang dapat nating tandaan; “newbie” ka man o “pro” - hindi ang pagkakaroon ng mamahaling bike ang mag-aangat sa iyo sa podium na pinapangarap mo; kundi ang iyong sipag, determinasyon, pagpupursigi, tibay ng loob at tiwala sa sarili upang makamit ang iyong inaasam na panalo.

9 views0 comments

Comments


Post: Blog2 Post
bottom of page